A Las Tres
Pinaghalong amoy ng plema at gamot sa hika,
Tunog ng mababaw at humahagod na paghinga.
Humpak na pisngi at maputlang labi,
Mahinang katawan at nanginginig na mga daliri.
Pinaghalong amoy ng ulan at luha,
Nakabibinging katahimikan mula sa patid na hininga,
Malamig na pisngi at tuyong labi,
Walang buhay na katawan at nangingitim na mga daliri.
Pinaghalong amoy ng hamog at kandila,
Tunog ng impit na hikbi at malungkot na pagalaala,
Kailan ba makakawala mula sa bangungot ng iyong pagkawala?
Maaaring hindi na… maaaring hindi na.







