Para sa’yo ang post na ito

Dahil sha ang pinakamaimpluwensyang tao sa buong Pilipinas nararapat lamang na bigyan sha ng puwang sa aking maliit na espasyo sa mundo ng internet.

Narinig ko sa radyo na sha na ang kinikilalang boxing legend of the modern age dahil sa galing nya sa larangan ng suntukan, nagawa nyang pabagsakin si Hatton sa loob lamang ng humigit kumulang 5 minuto at magkamit ng anim na championship belts.

Nagawa din nyang pagkaisahin ang buong PIlipinas sa panahon ng kanyang mga laban, daig pa nya ang peace keeping forces na naglalagi sa Mindanao dahil tuwing may laban lamang sha natitigil pansamantala ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at rebelde.

Tinuturin din shang best crime buster dahil base sa talaan ng mga pulis, zero crime rate ang Pilipinas tuwing umaakyat sha sa ring para magpatumba ng kalaban.

Kakaiba talaga ang gayuma ni Manny Pacquiao sa mga Pilipino pero kahit hindi ako masyadong fan niya, masasabi ko pa rin na proud ako sa galing nya sa boxeo at sa impluwesya nya sa Pilipinas.

Mabuhay ka Manny :)



Leave a Reply